

Latest
Vol. 27 Issue 04 15-21 June 2009
Frontpage News
Bikol News
Features
Church News
National News
World News
Viewpoints
Ayaw Kong Sumayaw
Ayaw Kong Sumayaw
Ayaw kong sumayaw sa panahong ito
na marami ang inililigaw-na nililitis sa kaisa-isa't
naghihingalong ilaw ang mga hinuling sumigaw.
Nagkukulay dugong-pula ang bombilyang dilaw.
Ipinapanganak ang nagnanaknak na bersyon
ng katotohanan sa loob ng mga lihim na selda,
bodegang wala sa mapa, talang walang pirma.
Hindi ako sasayaw sa mga pabayle sa kalye
na nagluluklok sa mga datihan ng diyos-diyosan
ng bayan. Silang nabubulok at muli akong hinihimok
sa mga bagong pangako. Ayoko. Ayokong sumayaw
habang umaawit ang sintunadong tuko sa palasyo.
Kahit pa sumabay ang koro ng alaga niyang mga loro,
kikik at kuwago sa munisipyo, kongreso at senado.
Hindi ako matitinag sa mga pasaring na parehong
kaliwa ang paa ko- na wala itong ibang alam kundi
magmartsa at magsisigaw sa kalsada. Bakit ako patatalo
gayong ang nakakuyom kong kamao ang bumubuto,
ako, ang pumipili. Hindi ang mga surbey o sabi-sabi
ng mga mambabatas na kumapal na ang labi sa labis
na palangis. Masdan sa kanilang mga patalastas.
Tinatanggihan ko ang nakakahumaling na awit.
Katuod, kaibigan, kabulig-Narito ang asin, ilagay
natin sa sugat, sa kalyo, sa lipak, sa tama ng baril.
Palapit na ang araw ng pinunong tuko na mag-otso-otso
maisulong lang ang kanyang cha-cha! Sa panahong
mahuli siya, lilitsunin natin lahat ng kanyang kasama
at magsasayaw tayo ng panibagong kanyaw!
Kristian Sendon Cordero
Kapanganakan ni Jose Rizal, Cubao
Other Stories:
- Bikol's Biggest Dam Construction Under Way
- PPCRV and NAMFREL Jointly Express Concern on Con-Ass
- The Cha-Cha See-Saw Battle: A Test of Political Will
- BFAR-Bikol Hails "Sleeping Fish" Inventor
- Miss Kaogma 2009 Winners
- VFA Works to Foster Servility, Prostitution and Corruption
- New Pag-IBIG Fund Law Passed
- 'Kapeng Barako' King is Halyao Awardee
- Filipinos in U.S. Highest Registrants for 2010 Overseas Voting
- CBCP Reiterates Stand on Chacha
Vox Bikol Editions
- 1 of 8
- ››
Most Viewed This Week
- 1 of 2
- ››