Share |

Features: Most Recent Content

  • Maitatanong marahil kung paano ang mga estrangherong katulad namin ay papapasukin na lamang at basta sa loob ng bahay ni Angela. Ganito ang salubong namin sa singkit na lalaki:

     “Marhay na aldaw po!” pagmamagandang araw ni Raffi sa salitang Bikol, “May mga bisita po kami, isang National Artist at mga manunulat na galing sa Manila, gustong makita ang loob ng bahay ni Angela Manalang Gloria, kung puwede…”

  • One of the high points of the AdeN-CSI HS'74 Joint Reunion held at Moraville Garden, Palestina, Pili, Camarines Sur, Sept. 11, 2010. Our acknowledgment and appreciation go to Dodie Cuaño for capturing the footage and to Andrew Morano for masterfully leading the march/dance.

  • Tila kating hindi makalkal sa isip ko ang bahagi ng sinulat ni Niles Jordan Breis, na nanalo pa sa Palanca, tungkol sa makatang si Angela Manalang Gloria—na tinawag niyang Angela Buruka dahil sa pagkamasungit at pagkamatapobre nito. Noon ko lamang nalaman na taga-Tabaco, Albay pala ang makata. Hindi ko kilala si Breis. Hindi ko nabasa ang buo niyang sanaysay, iyon lamang na lumabas sa isang diyaryo. Pero sapat na ang nabasa ko upang madalirot at makiliti ang pagka-usisero ko at hindi tumigil hangga’t hindi mapasok ang bahay ni Angela.

  • Sa isang forum, dahil puro high school ang mga estudyanteng nakikinig, humugot ako ng isang baraha para ipasok sila sa diskusyon. Tinalakay ko ang opening episode ng second season ng "Glee." Kapapalabas pa lang nito, at siempre ay hit dahil nga si Charice Pempengco ang kasama rito. Sa nakaraang gabi lang ito pinalabas, pero marami na ang nakapanood nito.

  • Nagbabago ang texto at kontexto ng humanidades. Pero hindi nagbabago ang layon o misyon nito: humanidades ang substansya ng pagkatao, ang bumubuo at bumubuhay sa tao lampas sa batayang pangangailangan. Sa maikling presentasyon, tatalakayin ko ang potensyal ng humanidades sa higit pang pagbubukas ng kaisipan tungo sa mapagpalayang pagkilos, hindi lamang sa formasyon ng manunulat at artista kundi sa formasyon ng mapagpalayang mamamayan.

  • Apt ang pagtawag na Pogi kay Robredo, dahil image-based, "pogi points" naman talaga ang kanyang advantage at entry point sa kanyang rise to political stardom. Identified naman siya sa "ideal o redemptive politics" kaya naging trademark niya minsan ang mga bulaklaking polo ni Raul Roco hanggang sa mag-yellow na siya last election.

  • Binago at binabago ng SM Naga ang landscape at mindset natin. Katulad ng iba pang malls, ang SM Naga ang tumatayong sityo kung saan ini-stimulate at vinavalidate ang karanasan ng modernong indibidwal bilang pag-aangkop ng sarili sa mas malawak na kalakarang nangyayari. Mga transaksyong hindi na lamang pumapadron sa kung ano ang maaaring bilhin at iuwi, kundi dito mismo, nagaganap ang pormasyon ng 'yong opinyon at ng maaari mong mga pagnasaan, dahil naririto na rin ang lahat na maaring makita at tingnan dahil they got it all for you.

  • Sa mga nakakatanda, "Where were you nang ideklara ang martial law noong Setyembre 21, 1972?" Naalaala ko ang araw na ito, ominous na araw. Wala namang malakas na bagyo pero walang pasok. Higit na kakatwa na wala ring palabas sa telebisyon. Puro alitaptap lang, wala pa ang colored bars dahil hindi pa uso ang colored TV nang mga panahong ito.

  • Isang kabalintunaang kailangang tingnan sa debosyong Penafrancia ang matinding pangangailangang masalat ang imahen ng Birhen. Kailangang may panghawakan dahil umiinog lamang ang buong selebrasyon sa Ina sa dalawang mahalagang pagdaloy: ang paglipat at ang pagbabalik, ang Traslacion at ang Sakay sa ilog. Mayaman sa simbolohikal na pagpakahulugan ang nasabing debosyon sa Ina na kung matutukoy lamang ng mga Bikolnon, maaninag nila ang kanilang nakaraan at ang mga di-mawaring hamon ng hinaharap.

  • Maraming pagpapakilala ang maaaring gawin sa Bikol, ang peninsula o rehiyong pinagmulan ko na tanyag dahil sa tatlong "B"-Bulkan Mayon, Butanding at Bikol Express ang tren noon at ngayon ay pangalan na ng isang mahanghang na putahe na ginawa na ring de-lata. Sa isang nakasanayang biro, na kahit papano ay tumatalab pa rin, kilala rin daw ang Bikol sa apat na "P", at ito ang pili, pinangat, Polangui at Peñafrancia.