Kristian Cordero


Contents by Author

August 5, 2011

Bulan na naman kan Agosto, bulan ki sadiring ngangabilon. Asin ini an bulan na giraray kitang minasabi kan mantra na nagpapagiromdom satuya na an dai mamoot sa sadiring tataramon, orog pa kabata sa malansang sira.

June 17, 2011
June 3, 2011

Naga City (June 3 2011) - Sagurong, an anthology of 100 poems in Bikol will be launched at the Metropolitan Museum in Manila on June 17, 2011.

November 15, 2010

Inihanda na ang alagang hayop. Hindi na mahalaga kung sino ang nag-alaga kung kayâ hindi na rin kinuha ang pangalan nito ng eskribano na siyang nakatalagang mangasiwa sa buong ritwal. Hindi nga rin tiyak kung inaalagan nga talaga ang nasabing hayop. Basta ang mahalaga naroroon ito at walang pakiwari sa kung ano ang nakatakdang maganap sa umagang iyon.

October 9, 2010

Apt ang pagtawag na Pogi kay Robredo, dahil image-based, "pogi points" naman talaga ang kanyang advantage at entry point sa kanyang rise to political stardom. Identified naman siya sa "ideal o redemptive politics" kaya naging trademark niya minsan ang mga bulaklaking polo ni Raul Roco hanggang sa mag-yellow na siya last election. Kung bakit ganito ang packaging niya ay dahil kinukundisyon pa rin ito ng makapangyarihang institusyon kabilang na ang simbahan na umaabot ang saklaw mula sa mga pulpito hanggang sa mga academic institutions katulad ng Ateneo.

September 27, 2010

Binago at binabago ng SM Naga ang landscape at mindset natin. Katulad ng iba pang malls, ang SM Naga ang tumatayong sityo kung saan ini-stimulate at vinavalidate ang karanasan ng modernong indibidwal bilang pag-aangkop ng sarili sa mas malawak na kalakarang nangyayari. Mga transaksyong hindi na lamang pumapadron sa kung ano ang maaaring bilhin at iuwi, kundi dito mismo, nagaganap ang pormasyon ng 'yong opinyon at ng maaari mong mga pagnasaan, dahil naririto na rin ang lahat na maaring makita at tingnan dahil they got it all for you.

September 23, 2010

Isang kabalintunaang kailangang tingnan sa debosyong Penafrancia ang matinding pangangailangang masalat ang imahen ng Birhen. Kailangang may panghawakan dahil umiinog lamang ang buong selebrasyon sa Ina sa dalawang mahalagang pagdaloy: ang paglipat at ang pagbabalik, ang Traslacion at ang Sakay sa ilog. Mayaman sa simbolohikal na pagpakahulugan ang nasabing debosyon sa Ina na kung matutukoy lamang ng mga Bikolnon, maaninag nila ang kanilang nakaraan at ang mga di-mawaring hamon ng hinaharap. Kung matuklasan at maunawaan na ito ng marami sa mga deboto, higit nilang makikita na ang tunay na kahulugan ng debosyon sa Ina ay paggawad ng tingin sa iprinuprusisyon ding Divino Rostro.

September 16, 2010

Maraming pagpapakilala ang maaaring gawin sa Bikol, ang peninsula o rehiyong pinagmulan ko na tanyag dahil sa tatlong "B"-Bulkan Mayon, Butanding at Bikol Express ang tren noon at ngayon ay pangalan na ng isang mahanghang na putahe na ginawa na ring de-lata. Sa isang nakasanayang biro, na kahit papano ay tumatalab pa rin, kilala rin daw ang Bikol sa apat na "P", at ito ang pilipinangatPolangui at Peñafrancia

August 22, 2010

Katulad ng libag sa katawan, kinakailangang ikubli, disiplinahin, alisin (depende sa kung anong reseta ng relihiyon at kultura) ang libog ng tao. Tila pulgas na maituturing ang libag samantalang matabang garapata ang libog. Sityo ng libag at libog ang katawan ng tao.  At dahil hindi lamang simpleng nanahan o kumakapit ang libag at libog sa atin, mas higit nitong pinapatindi ang sidhi ng sigalot na nangyayari sa buong katawan. Ang mga sigalot, anomalya, o ang mga kaisipan patungkol sa katawan o sa mundo ng mga katawan, ang kumukundisyon sa kung paano inaangkin, tinitingnan, ginagamit ng kinikilalang nagmamay-ari ang katawang ito.  At dahil tila may taglay na balani ang mga katawan na humahatak sa iba pang katawan o kaya'y dahil tuluyan ng sumabog ang grabedad sa uniberso at naging itong libog, hindi na talaga natin maisaisantabi ang usapan/usapin ng iba pang katawang nakapaligid sa atin. Sa simula pa lang ay naroroon na ang siklo ng pagsasakatawan at ang pangangailangan ng katawan upang mailuwal ang tao sa mundo.

July 25, 2010

Sa sakuyang inaagihan ngonyan digdi sa harong mi sa Iriga, parati kong nahihiling an mga nagkahurulog na kamagong. Dakul na mga bunga na dai ko maibitaran na dai hilingon. Asin harayo pa ako, napaparong ko na sinda. Parong na nagpapagiromdom sakuya nin mga magkapirang pangyayari. Siring kan sarong kakanon sa nobela ni Marcel Proust, an sarong namit, o an sarong parong pwedeng magdara satuya sa sarong kaisipan o panahon o pagkabuhay na iba sa kun ano an buhay na inaatubang niyato ngonyan. Igwa sanang kaipuhan na magkulibat kan kublit asin madadara na kita sa panahon na ini.

Pages