Ang mahal na Birhen ng pagsalat
Submitted by Vox Bikol on
Isang kabalintunaang kailangang tingnan sa debosyong Penafrancia ang matinding pangangailangang masalat ang imahen ng Birhen. Kailangang may panghawakan dahil umiinog lamang ang buong selebrasyon sa Ina sa dalawang mahalagang pagdaloy: ang paglipat at ang pagbabalik, ang Traslacion at ang Sakay sa ilog. Mayaman sa simbolohikal na pagpakahulugan ang nasabing debosyon sa Ina na kung matutukoy lamang ng mga Bikolnon, maaninag nila ang kanilang nakaraan at ang mga di-mawaring hamon ng hinaharap. Kung matuklasan at maunawaan na ito ng marami sa mga deboto, higit nilang makikita na ang tunay na kahulugan ng debosyon sa Ina ay paggawad ng tingin sa iprinuprusisyon ding Divino Rostro.