siN0H AnG iBoBo2 U~ sa ELeKxoN, N0H? c~ N0N0y~ ba Na~ wLAng TRack~ rEc0RD~ AT~ SOC-deM,~ c~ VILLar~ bA nA SndAmKMk Ang kSO ng qRapx0N, o~ C ErAp~ Na PiNTAwd nA KRiMInl, N0h? Ito ang bagong "craze" at pet peeve ngayon. Gusto mo o kinamumuhian mo. Gusto mo dahil bagong anyo ito ng lengwahe, lalo na yaong historikal na naisantabi na sa kasalukuyang terminolohiya ay ang jologs. Ito ang sub-uri ng lumpen proletaryado, ang ayaw mong makasama sa public transport dahil ito ang inaakala mong magnanakaw ng iyong cellphone o notebook, ayaw mong makita sa mall dahil ito ang low-brow na manggugulo lamang, o ang pumapasok sa UP Fair para makipaggitgitan at makapasok ng libre.