Kahit katatapos lang ng birthday celebration ni Kap, siya naman ang maghahandog ng mga regalong kaalaman para sa mga tagasubaybay ng Kap’s Amazing Stories.
Isa na rito ang insektong “mayfly” kung saan ilang minuto lang ang inilalagi sa mundo. Dahil nilikha silang walang bibig at tiyan, hindi sila makakain para mabuhay ng matagal. Tanging ang enerhiyang naipon lang ang batayan kung gaano sila tatagal sa paglipad. Sa kabila nito ay meron silang mahalagang papel na ginagampanan sa pagapaparami ng kanilang lahi.
Maniniwala ba kayo na ang mga tutubi ay parang ugly duckling na nagtatransform sa pagiging swan? Sila ay lulutang sa tubig na may nakakatakot na anyo at may kung anong nakalagay sa kanyang likod. Mamamaluktot ito at bubukas ang kanyang likod at doon masisilayan ang nakakamanghang insekto.
At kung akala natin ay siga na ang mga lamok, meron pa palang mas astig rito na pwedeng maging mosquito repellant, ito ay ang “damselfly”. At gaya ng mga kamag-anak nilang mga tutubi at mayfly, importante rin sa kanila ang paglipad dahil ito ang nagsisilbing daan para makahanap sila ng kanilang makakapareha.
Huwag ng pahuhuli sa pag-ulan ng mga regalong kaalaman mula kay Kap.
Mapapanood ang Kap’s Amazing Stories tuwing Linggo pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.