Sa alingasngas na nalikha ng seleksyon ng 2009 National Artists Award (NAA), dalawang isyu ang tumitingkad na pangunahing diskurso: sa punto na may pakiwaring agrabyado-mga pambansang alagad ng sining, "lehitimong" artista, intelektwal, manggagawang pangkultura, at elitista-ang madalas masambit ay ang diskurso ng delicadeza o ang pagkilos ng tama at nasa lugar ng mga tao; at sa punto ng inaakusahang nakapang-agrabyado-Malacanang, Carlo Caparas, Cecille Guidote-Alvarez, at Vilma Labrador ng NCCA-kontra-masa (Caparas), competency (Labrador at Alvarez), at prerogatibong karapatan ng presidente