Submitted by Vox Bikol on
Hunyo 27, 2010 - A las 6:00 ng Umaga
Katedral ng Naga, Lungsod ng Naga
Nais kong talakayin ang tema ng Sex Education na siyang mainit na pinagtatalunan sa kasalukuyan pagkakataon. Mangyari pa, marami ang aspekto o angulo ng temang ito na mahahalaga rin naman na maaari natin pagusapan, lamang maikli ang panahong magagamit natin sa pagkakataong ito. Kaya naman sa ngayon ay pinili ko ang tungkol sa karapatan ng ating Simbahan Katolika na makialam sa usapang ito at kung bakit dapat pahalagahan ang sinasabi ng ating Simbahan tungkol sa temang ito.
Samantalang ang ating Kagawaran ng Edukasyon ay kapapalabas lamang ng integrated sex education. Ang Simbahan natin ay matagal nang panahon na tumatalakay ng temang ito. Buhat pa ng 1921, 1929, 1931, 1951, 1965, 1972,1975, 1981, 1989, para bumanggit ng ilan lamang dokumento ng Simbahan tungkol sa temang sex education. Maliwanag na malawak at matagal na ang kaalaman ng Simbahan tungkol sa sex education.
Sa kabila ng mahabang panahon ng pagtuturo ng Simbahan tungkol sa sex education, hindi natitinag at napapalitan ang mahahalagang aralin ng Simbahan. Ano-ano ang mga paninindiggang iyan?
1. Una: Karapatan ng mga kabataan na tumanggap ng isang positibo, maingat at angkop na sex education: "With the help of advances in psychology and in the art and science of teaching, children and young people should be assisted in the harmonious development of their physical, moral and intellectual endowments.. .As they advance in years they (the children) should be given POSITIVE AND PRUDENT SEX EDUCATION." (G.E. 1).
2. Ikalawa: Ang may pangunahing tungkulin ng pagturo ng sex education ay ang mga magulang; at ang tahanan o pamilya ang higit na mabuting lugar ng pagtuturo ng sex education: "Education to love as self-giving also constitutes the indispensable premise for parents called to offer their children a clear and delicate sex education ... the educational service of parents must aim firmly at a training in the area of sex that is truly and fully personal: for sexuality is an enrichment of the whole person -body, emotions and soul -and manifests its inmost meaning in leading the person to gift of self in love." (F.C. 37).
3. Ikatlo: Ang paaralan ay tamang lugar rin ng pagtuturo ng sex education: "Sex education, which is a basic right and duty of parents, must also be carried out under their attentive guidance, whether at home or in educational centres chosen and controlled by them. In this regard, the Church reaffirms the law of subsidiarity, which the school is bound to observe when it cooperates in sex education, by entering into the same spirit that animates the parents."
Kung hihimayin natin ang textong ito, makikita natin na (a) ang pagtuturo ng sex education ay maaari rin gawin sa paaralan, subalit ang paaralan, at ang mga guro ay 'katulong' lamang ng mga magulang na siyang may pangunahing karapatan at tungkulin magturong sex education sa kanilang anak; (b) kaya naman ang may kontrol sa kung ano at papaano ituturo sa kanilang anak sex education ay ang mga magulang; hindi ang mga guro o Kagawaran ng Edukasyon;
4. Ika-apat: Ang sex education ay hindi INFORMATION only kundi FORMATION. Bakit? Ang sex education ay tungkol sa lahat ng kailangan malaman ng isang tao upang matutuhan kung papaanong mabubuhay nang mabuti at masaya kasama ang ibang tao. Ano naman ang kailangan matutuhan upang mabuhay nang matahimik at mabuti kasama ng ibang tao - maging ang iyong magulang, kapatid? Kailangan mong matutuhan ang maging mapagtiis, mapagbigay, tapat, maunawain, at papaanong makinig ng mabuti sa iba, papaanong magpahayag ng sarili -ito at maraming pang iba ang kailangan matutuhan upang mabuhay nang mabuti. Kaya nga sa aking palagay maling-mali ang titulong 'sex education'. Ang dapat na titulo ng kursong ito ay VALUES EDUCATION. Kung nasa iyo ang mga katangiang ito, ang ibang aspekto ng buhay ay malalagay sa tamang lugar.
5. Kaya naman kung totoo na ang sex education ay formation, hindi maaari ang isang sex education na walang pagbanggit ng MORALIDAD ng isang akto o gawain. Hindi edukasyon ang pagbibigay ng kung ano ang itsura ng CONDOMS, NG PAG-AABUSO SA SARILI NANG WALANG PAGPAPAHAYAG ng kung kalian ang mga ito masama o hindi. Ito ang dahilan para sa aking kung bakit imposibleng magkaroon ng mabuting sex education kung ang tanging gagawin magbigay ng inpormsayon at hindi paghubog sa kung ano ang mabuti o masama.
6. Ano ang mas mahalaga: ang values (halimbawa: pagkilala sa Dios, tunay na pagpapahalga sa buhay ng tao, persevering, committed, truthful) o ang norms -ang kautusan (huwag kang makikiapid sa di mo asawa; huwag kan magpapahulog, huwag kang gagamit ng codom, ng contraception ...etc).
Mangyari pa ang values -ang mahahalagang katangian ng ating espiritu at pagkatao -ito ang dapat natin unahin sa pagtuturo sa ating mga anak; kapag mayroon nang paninindigan ang tao, alam na niya kung ano ang masama at kung ano ang dapat iwasan. Kaya naman ang sex education ay unang-una ay formation in values, education in values, pangalawa at pagkatapos ay ang mga batas o kautusan.
Mga ginigiliw kong nga kapatid, tulad po ng aking nabanggit sa simula, maraming aspekto ang temang ito, na dahilan sa limitadong panahon ay hindi maaaring suriin lahat sa loob ng sermon. Para sa ngayon sapat na napag-ukulan natin ng panahon ang tungkol sa kung ano ang itinuturo ng Simbahan. Sa ganitong paraan mas madali natin mauunawaan ang mga bagay na ating nababasa o napapakinggan.
Ang maliwanag, sa aking pakiwari, ay ang mabigat na pangangailan ng tama at sapat na tulong ng ating mga kabataan. Ayon sa aking paliwanag, tungkulin at karapatan ninyong mga magulang na malaman ninyong mabuti kung ano ang ituturo sa inyong mga anak sa paaralan. Kung sa palagay ninyo pa hindi akma at tama ang nangyayari sa paaralan, may karapatan kayong iparating ang inyong kalooban sa mga guro o pangasiwaan ng paaralan.