Palace welcomes UN statement praising Philippine gov't for rapid, pre-emptive response to 'Lando'

Submitted by Vox Bikol on Mon, 10/26/2015 - 00:44

MANILA, Oct 26 -- Malacanang on Sunday welcomed the recent statement of the United Nations Office for Disaster Risk Reduction praising the Philippine government for its timely response which mitigated the impact of Typhoon Lando (international name: Koppu).

Margareta Wahlstrom, head of the UN Office for Disaster Risk Reduction, even said that other countries could learn from the Philippine government's rapid and pre-emptive response.

“Malugod nating tinatanggap ang pahayag ng United Nations, partikular ng UN Office for Disaster Risk Reduction, hinggil sa ginawang paghahanda ng Pilipinas sa pagtama ng bagyong ‘Lando.’ Sa simula pa lamang ng administrasyong Aquino, isa sa mga pinagtuunan ng pansin ang pagpapahusay sa mga programa, proyekto, at pangkalahatang sistema patungkol sa climate change mitigation and adaptation, alinsunod sa layuning matamo ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan at residente sa panahon ng kalamidad,” said Communications Secretary Herminio Coloma Jr. during an interview over dzRB Radyo ng Bayan.

The Palace official also cited the government's effort to make the Department of Science and Technology (DOST) and the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) improve their services.

“Isa sa mga tinututukan ng pamahalaan ang pagpapalakas sa kakayahan ng DOST-PAGASA sa pagtataya ng lakas at pagtukoy sa galaw ng isang bagyo na siyang batayan sa isasagawang pagkilos ng mga lokal at pambansang disaster risk reduction management council. Kabilang ang pagsasagawa ng pre-disaster risk assessment at pagtatalaga ng mga first responders na binubuo ng ating kasundaluhan at kapulisan at mga empleyado ng pamahalaan, ang pag-preposition ng mga rescue equipment, food packs, at relief goods sa mga istratehikong lugar para sa agarang deployment,” Coloma explained.

“Makatitiyak po tayo na tuloy-tuloy ang modernisasyon ng mga equipment ng DOST-PAGASA at ang higit pang pagpapalakas ng ating kapasidad na magbigay ng napapanahong pagtaya sa panahon at iba pang sitwasyon ng kalamidad para mabigyan din ng sapat na paghahanda at nang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan at residente sa Pilipinas,” he added. 

Coloma also stressed the importance of making the public well-informed during calamities.

“Dagdag pa rito ang tuloy-tuloy na pagpapakalat ng impormasyon sa ating mga kababayan na maaaring tamaan ng bagyo o kalamidad. Sa mga hindi pangkaraniwang pagkakataon tulad ng nakaraang bagyong ‘Lando’ at ng super typhoon ‘Yolanda,’ mismong ang Pangulo ang siyang nangunguna sa panawagan sa mamamayan at nag-uulat ng mga isinagawang paghahanda ng pamahalaan,” he said.

Coloma assured that the government will do its best to minimize if not prevent destruction of lives and properties during calamities. 

“Sa mga nalalabing panahon ng administrasyon, hindi titigil ang pamahalaan na ibayo pang mapalakas ang ating pambansang kakayahan at kapasidad laban sa pananalasa ng anomang kalamidad upang maibsan ang pinsala sa mga mamamayan at sa mga ari-arian," he noted. (PND (jm) PCOO)